- Get link
- X
- Other Apps
Ako si Olive, ang panganay sa aming pamilya, at may mga pangarap akong nais makamit para sa aking kinabukasan. Bilang panganay, inaasahan ako ng aking mga magulang na maging huwaran at tagapangalaga sa aking mga kapatid. Sa bawat hakbang na aking ginagawa, naglalayon akong makamit ang isang magandang pamumuhay at makapagbigay ng kasiyahan sa aking pamilya. Naniniwala ako na sa pamamagitan ng pagsisikap at pagtitiwala sa sarili, matutupad ko ang aking mga pangarap at responsibilidad sa hinaharap.
Mula pagkabata, ipinagmamalaki kong ipahayag sa aking mga magulang ang mga simpleng pangarap na nais kong makamit. Ang aking layunin ay maging matagumpay upang makapagbigay ng maayos na pamumuhay hindi lamang para sa akin kundi pati na rin para sa kanila. Sila ang dahilan kung bakit ako patuloy na lumalaban sa kabila ng mga pagsubok na dumating sa aking buhay. Ang kanilang pagmamahal at suporta ay nagsilbing inspirasyon upang ipagpatuloy ko ang laban, kahit na maraming hamon ang aking nalampasan.
Sa kabuuan nito, ang motibo ko sa bawat pagsubok ay ang aking mga magulang. Nais kong masuklian ang kanilang mga sakripisyo at ipakita ang aking pasasalamat sa lahat ng kanilang ginawa para sa akin. Ang kanilang walang kondisyong suporta at pag-aalaga ay nagturo sa akin ng halaga ng determinasyon at pagsusumikap. Sa bawat tagumpay na aking makakamit, umaasa akong maipapakita ko ang aking pagmamahal at pagpapahalaga sa kanila bilang isang anak.
- Get link
- X
- Other Apps
.jpg)
Comments
Post a Comment