Who Killed Agatha?
(Ni Vince Chester Bautista Gonzales)
PSICOM Publishing Inc. 2021
I. PANIMULA
A. Pamagat
Sa aklat na ito, puno ng paghihinuha at pagtataka ang ating mararamdaman kung sino nga ba ang pumatay kay Agatha. Sa simpleng pagpapakilala kay Agatha Mendoza, siya ay mabait at matalino. Maraming nakakakilala sa kanya dahil kilala siya sa kanyang mga aklat na isinulat. Ngunit sa isang iglap lang ay nagbago ang lahat. Ano nangyari kay Agatha? Bakit naisipan nyang tumalon mula sa rooftop ng kanilang paaralan? Talaga bang nagtangka sya ng suicide? O kaya naman ay— may pumatay sa kanya?
Upang ating malaman kung ano ba talaga ang totoong nangyari sa likod ng misteryosong pagkamatay ni Agatha Mendoza, may tutulong sa atin upang malutas natin ang gumugugol sa ating kaisipan at siya ay si Cath. Si Cath Martinez, ang pinaka matalik at malapit na kaibigan ni Agatha. Mahigit isang taon narin ang kanilang pagkakaibigan ngunit sa hindi inaasahan, namatay si Agatha Mendoza. Hindi naman inaasahan ni Cath at siya'y nasaktan sa nangyari na iyon. Ngunit ipinagtataka ni Cath ang dahilan ng pagkamatay ni Agatha dahil kilala ni Cath si Agatha at hindi ito magagawa ni Agatha na sayangin ang kanyang buhay. Base sa pag iimbestiga ng mga pulisya, sinabi dito na si Agatha ay nag commit ng suicide. Kilala ni Cath ng lubos si Agatha at alam niya na hindi iyon magagawa o hindi aabot sa ganoong kalalang sitwasyon si Agatha.
Kaya ganito ang pamagat ng aklat na ito, dahil dito natin masusuri at maiimbestiga kasama ang kanyang matalik na kaibigan na si Cath kung ano ba talaga ang totoong nangyari sa pagkamatay ni Agatha. Kung may pumatay nga ba kay Agatha, sino ba ito at ano ang intensyon nya kung bakit nya ito nagawa kay Agatha? O kaya naman maaring nag suicide nga siya dahil may pinagdadaanan nga siya at nahihirapan niya itong lutasin. Sa aklat na ito, masasagot lahat ang dahilan sa pagkamatay ni Agatha.
B. Uri ng Panitikan at Genre
Ang kwento na ito ay nagmula sa imahinasyon ng may-akda, kaya ito ay itinuturing na kathang isip. Ito'y naglalaman ng masalimuot na balangkas na tumatalakay sa pag iimbestiga ng pagkamatay ni Agatha Mendoza, na nag-uugnay sa iba't-ibang tauhan at mga kaganapan. Ang pagbuo ng mga tauhan, tagpuan, at tema nito ay nagbibigay-daan sa mas malalim na pag-unawa sa kwento. Bagama't ito ay isang kathang-isip, maaring isinulat ito ng may-akda base sa kanyang karanasan, sitwasyon, o imahinasyon, subalit maaari din itong isinulat upang bumuo ng isang nakakaengganyong babasahin o kwento.
Ang genre ng kwento na ito ay tinatawag na mysteryo o thriller dahil dito natin matutuklasan at masasaksihan ang katotohanan tungkol sa pagkamatay ni Agatha Mendoza. Inaalam dito ang pag iimbestiga ng kanyang matalik na kaibigan na si Cath Martinez sa pagkamatay ni Agatha Mendoza na kung siya ba talaga ay nag suicide o kaya naman ay may pumatay sa kanya. Makakaranas rin dito ng tensyon at puno ng nakaka enganyong plot twist na magdadala ng kaba at interes sa pagbasa ng kwento na ito. Sa kabilang dako, hindi lang puro mysterio at thriller ang nagaganap kundi ay may kasama rin itong nakakakilig na eksena na magdadala ng interes para mabigyan ang mga mambabasa i-proseso ang nangyayari sa kwento na ito. Ang kwento na ito ay puno ng pag-iisip kung ano nga ba talaga ang nangyari sa pagkamatay ni Agatha Mendoza.
C. Pagkilala sa May-akda
Ang gumawa ng masterpiece na aklat na ito ay si Vince Chester Bautista Gonzales na kilala din sa tinatawag na VchesterG sa Wattpad. Isa siya sa kilalang may-akda sa Wattpad at ipinagmamalaki nya ang pagkakaroon ng two-timer winner ng wattys award. Siya ay nagtapos ng kanyang kolehiyo sa Cavite State University na may natanggap na karangalan Bachelor's Degree in Economics, Major in Business Economics. Si Vince Chester ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang full-time office staff sa kanilang pribadong kumpanya.
Ang aklat na ito ay ang kanyang unang sineryoso nagawa at hindi inaakala ni Chester sa kanyang buhay na makakamit niya ang mga bagay na kanyang natamo pagkatapos niyang isinulat ito. Dahil dito, nagbigay ito ng layunin at muling nagbigay ng direksyon sa kung ano ang nais ni Chester maging para sa kanyang kinabukasan.
Para kay Vince Chester, ang pagsulat ay hindi niya lamang ito hilig. Isa itong kanyang paglalakbay na may taos-pusong layunin. Ang pagbabahagi ng mga aral sa kanyang mga mambabasa ay isa sa kanyang mga layunin, ang pagiging bahagi ng kanyang kabataan ang kanyang layunin, at ang pakikipagkaibigan na nagawa niya sa kanila ay isa sa kanyang pinakamalaking tagumpay.
II. PAGSUSURING PANGNILALAMAN
A. Tema / Paksa
Sa aklat na "Who Killed Agatha?", ang buong kwento ay nakatuon sa misteryo ng pagkamatay ni Agatha Mendoza. Si Agatha ay isang mahusay at matalino na mag-aaral sa murang edad, kilala siya bilang isang may-akda at palaging nakakamit ang pinakamataas na marka sa kanilang paaralan.
Noong Pebrero 2019, nagulat ang buong paaralan nang malaman nilang may estudyante ang tumalon mula sa bubungan at namatay sa mismong pagbagsak nito. Halos lahat ay naniniwala sa imbestigasyon ng mga awtoridad na ito ay isang pagpapakamatay, ngunit hindi naman naniniwala si Cath Martinez, ang matalik na kaibigan ni Agatha.
Ang pananaginip ni Cath tungkol kay Agatha ang nagbigay-daan sa kanyang pagtatanong. Sa panaginip, nakita niyang humihingi ng tulong si Agatha, na puno ng dugo at sakit. Nataranta naman si Cath at siya ay lumayo nang biglang sumigaw si Agatha, ang sigaw na iyon ay puno ng sakit hanggang nagsimula narin maluha si Cath dahil sa takot. Maya-maya pa, tila biglang nabasag ang bungo ni Agatha na hindi na tuluyang makilala ni Cath. Nang magising si Cath mula sa kanyang bangungot, natagpuan niyang may email siyang natanggap mula kay Agatha at sinasaad nito ay tungkol sa mga death threats na natanggap ni Agatha. Dito nagsimula si Cath kasama ang kanyang kaibigan na pinsan ni Agatha na si Luigi ang mag-imbestiga ng palihim para makamit nito ang hustisya mula sa pagkamatay ni Agatha. Dalawang pangunahing suspek ang natukoy ni Cath at ito ay sina Stephanie at Lucas, ang mga nambubully kay Agatha noon. Natuklasan ni Cath na sila ay dating bahagi ng isang squad kasama si Vanessa at Larby, ngunit nagkawatak-watak ito dahil kay Agatha. Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, nakakaranas si Cath ng mga kakaibang pangyayari. Nakatatanggap siya ng nagdudugong sulat araw araw at inaakala niya na si Lucas ang may kagagawan nito. Napansin niyang may kakaiba rin kinikilos si Lucas. Isang pagkakataon, nang itapon ni Lucas ang bag ni Cath sa labas ng bintana, bumaba si Cath para kunin ito. Napansin niya na parehong pareho din ang pwesto kung saan nahulog si Agatha mula sa rooftop. Agad naman kinilabutan si Cath at napatingin siya sa itaas, nakita niya si Lucas na nakangiting nakakatakot ito.
Nagkaroon ng retreat ang mga graduating students na Grade 10 malapit sa kanilang lugar bilang sorpresa ng kanilang principal. Sa pagtitipon, masaya silang nag-jamming sa tabing-dagat sa mga gabi na iyon. Sa sobrang saya, napagtripan nilang buhatin at ihagis si Cath sa tabing-dagat, at tuwang-tuwa siya sa nangyari. Nagpaalam siya na magpapalit ng damit, ngunit nang gusto siyang samahan ni Vanessa, tinanggihan niya ito at nagpunta na lamang mag-isa sa palikuran. Medyo malayo ang palikuran mula sa kanilang pwesto, kaya't nakaramdam siya ng takot dahil madilim ang dinadaanan. Habang naglalakad, parang may matang nakamasid sa kanya at may pakiramdam siyang may sumusunod. Bigla na lang siyang hinila mula sa isang abandonadong silid, at nang makita niya kung sino ito, nagulat siya dahil si Lucas pala ito. Dito, inamin ni Lucas kay Cath kung bakit ayaw niyang makialam siya sa imbestigasyon tungkol sa pagkamatay ni Agatha, na ayaw niyang madamay si Cath. Nagtanong si Cath kung bakit, at sinagot siya ni Lucas na may iniimbestigahan din siya. Nang subukan ni Cath na magtanong muli, tumanggi si Lucas na sumagot, kaya't nagpasya na siyang umalis. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nasira ang padlock ng pinto at naiwan silang nakasarado sa loob. Wala silang makuhang tulong dahil malayo sila sa kanilang mga kasama. Pagkatapos ng mahigit isang oras ng paghihintay, nagtanong si Cath tungkol sa mga suspek ni Lucas. Sinabi ni Lucas na si Stephanie ang suspek dahil kilala niya ang totoong ugali nito, alam ni Lucas na handa itong gawin ang lahat para makuha lang ang gusto ni Stephanie. Naniwala si Cath sa sinabi ni Lucas at pinilit siyang payagan siyang makiisa sa imbestigasyon. Wala nang magawa si Lucas kundi ang sumang-ayon ito.
Kinabukasan, nagplano si Lucas kasama sina Cath at Luigi pero bago sumama si Luigi, ipinaliwanag ni Cath ang totoong dahilan ng mga pangyayari noong kagabi tungkol kay Lucas at agad namang naintindihan ni Luigi si Cath at sumama siya sa kanilang plano. Nagtago silang dalawa sa loob ng locker sa storage room habang si Lucas naman ay abala sa labas upang hanapin si Stephanie. Naka-ready na ang voice recorder ni Cath sakaling aminin ni Stephanie na siya ang pumatay kay Agatha.
Pagpasok nila Stephanie at lucas sa loob, pinipilit ni lucas na sabihin na ni Stephanie ang totoo ngunit si Stephanie naman ay tinanggihan ito at sinabi niya na hindi siya aabot sa ganong sitwasyon na papatayin nya si agatha kahit hindi sila magkaayos. Sinabi ni Stephanie lahat ng rason kung bakit ayaw na ayaw niya kay agatha, pati narin si lucas. Nagulat naman sina cath at luigi sakanilang mga narinig. Nagsidatingan din sina vanessa at larby. Si Stephanie narin ang nagsabi na para makabawi naman sila kay agatha ay aayusin ulit nila ang kanilang pagkakaibigan kasama na sila cath at luigi sa kanilang squad. Pagpasok nina Stephanie at Lucas, pinilit ni Lucas na sabihin ni Stephanie ang katotohanan, ngunit tinanggihan ito ni Stephanie at sinabing hindi siya aabot sa ganitong sitwasyon kahit hindi sila magkaayos. Ibinunyag niya ang lahat ng dahilan kung bakit ayaw na ayaw niya kay Agatha. Nagulat sina Cath at Luigi sa kanilang narinig. Ipinahayag din ni Stephanie na para makabawi kay Agatha, nais niyang ayusin muli ang kanilang pagkakaibigan nilang lima nina Lucas, Larby, at Vanessa, at kasama sina Cath at Luigi.
Sa moving up ceremony, nagkaroon muli ng gulo ng nagkukumpulan sila sa isang estudyante na nahulog mula sa rooftop ng kanilang paaralan. Nang makita ni ito ni Cath, gulat siya na ang estudyante pala na iyon ay si Vanessa. Nakatingin si Cath dito, ang mulat na mulat na mga mata ni Vanessa—wala na itong buhay. Napatingin si Cath sa rooftop at mas lalo siyang nagulat nang makita si Larby roon. Nagtanong siya kung bakit ito nagawa ni Larby kay Vanessa. Ibinunyag ni Larby ang katotohanan tungkol sa pagkamatay ni Agatha. Si Vanessa ang pumatay kay Agatha. Ang dahilan nito ay dahil mahal na mahal ni Vanessa si Larby ngunit mas pinili pa rin ni Larby si Agatha. Dahil dito, nabulag si Vanessa ng selos at pagmamahal, ni hindi na niya naiisip kung tama o mali ang kanyang ginagawa. Hindi muna agad pinaniwalaan ni Cath ang pinagsasabi ni Larby sakanya hanggang sa I-ipinakita ni Larby kay Cath ang mga nakasulat sa diary ni Vanessa, kung saan nakalagay lahat ng kanyang mga sikreto—mula sa pagpatay niya sa ex ni Larby hanggang kay Agatha. Dito lumutang ang katotohanan: "Too much love can really kill you."
B. Mga Tauhan, Tagpuan, at Panahon
Mga Tauhan
a. Agatha Mendoza – Pangunahing tauhan sa aklat. Siya ay 16-taong-gulang na mayamang manunulat at mataas ang rank sa kanilang paaralan. Siya ay kilala sa kanyang talino at tagumpay, ngunit ang kanyang buhay ay nagbago nang siya ay mapatay.
b. Cath Martinez – Pinakamatalik na kaibigan ni Agatha. Siya ay isang estudyanteng nahihirapan sa kanyang pag-aaral at humihingi ng tulong kay Agatha para sa tutoring.
c. Larby Policarpio – Isang chicboy sa campus. Sila ni Agatha ay may relasyon na palihim.
d. Lucas – Kilala bilang isang bully na madalas mang-api kay Agatha at Cath. masungit ang ugali at hindi magandang asal nito. Madalas nahuhuli sa unang klase at hindi nakikinig sa itinuturo.
e. Vanessa Reyes – Vice President ng klase at may positibong personalidad. Siya ay kaibigan ni Cath at nagbibigay ng suporta sa kanya. Ngunit sa likod pala ng mala-anghel na mukha ni Vanessa ay nagtatago ang isang Vanessa na may mala demonyong ugali na handang gawin ang lahat, masunod lang ang gusto niya.
f. Luigi – Kaklase nina Agatha at Cath. Pinsan ni Agatha. May palihim na gusto kay Cath ngunit manhid naman si Cath.
g. Stephanie Vidallion – Mayaman na spoiled brat at bully sa kwento. Siya ang anak ng Principal sa kanilang Campus.
Mga Tagpuan
a. Paaralan – Dito naganap ang main setting na kung saan nag-aaral si Agatha at ang kanyang mga kaibigan.
b. Bubong ng Paaralan – Dito naganap ang pagkamatay ni Agatha.
c. Tahanan ni Cath – Dito nagpupunta si Luigi para sunduin si Cath at magusap upang suriin patungkol sa pagkamatay ni Agatha.
d. Kwarto ni Agatha – Dito nagpunta sina Cath at Luigi para maghanap ng matibay na ebidensya sa kanilang pag iimbestiga.
e. Tabing-dagat – Dito nag jamming ang mga estudyante at marami pang nakakaengganyong laro.
f. Mall – Madalas dito nag date nung sila pa ni Agatha at Larby.
g. Diner – Dito ang puntahan ng magkakaibigan o ang squad ni Agatha. Dito rin nila binati ang kanilang anniversary.
Panahon
Ang panahon ng kwento sa aklat na ito ay naganap sa panahon ng pasukan, kung saan ang mga mag-aaral ay nagbabalik sa paaralan matapos ang bakasyon. Partikular, noong taong 2019, at ito ay nagaganap sa kasalukuyang kapanahunan. Sa nagaganap sa kwento, ang mga kagamitan at teknolohiya na ginagamit ng mga tauhan ay makabago, na tumutukoy sa mga gadget na karaniwan sa buhay ng mga estudyante sa panahong iyon.
Ang mga lenggwahe at paraan ng pagsasalita ng mga tauhan ay impormal, at madalas na gumagamit sila ng mga salitang slang na karaniwang ginagamit ng Gen Z, na nagpapakita ng kanilang kultura at estilo ng komunikasyon. Ang ganitong aspeto ay nagbibigay-diin sa kabataan at dinamismo ng mga tauhan, na nakatutulong sa pagbuo ng mas relatable na karanasan para sa mga mambabasa.
C. ESTILO NG PAGKAKASULAT NG MAY-AKDA
Ang estilo ng pagkakasulat ng may-akda sa kwentong ito ay impormal, dahil gumagamit ito ng mga salitang slang at tono na malapit sa paraan ng pagsasalita ng mga kabataan, partikular na ng mga Gen Z. Ang ganitong estilo ay nakatutulong upang mas maging relatable ang kwento sa mga mambabasa, lalo na sa mga kabataang target nito. Tulad ng mga naganap sa kwento na ito, na sina Cath, ay nag-uusap sa paraang karaniwan at pamilyar sa kanilang henerasyon. Ang paggamit ng impormal na wika ay mas napapadali silang maunawaan at makilala ng mga mambabasa.
Bukod dito, isinulat ng may-akda ang kwento na ito nang may maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Mula sa pagkamatay ni Agatha Mendoza hanggang sa pagsisimula ng imbestigasyon ni Cath, ang bawat kaganapan ay nakalinya nang maayos, kaya madaling maunawaan at sundan ang daloy ng kwento. Mas madaling maunawaan at sundan ang daloy ng kwento.
III. PAGSUSURING PANGKAISIPAN
A. Kakintalan / Kaisipan
Ang kakintalan / kaisipan ng aklat na ito ay nag bibigay ng mahalagang aral tungkol sa pagkakaibigan. Sa kabila ng pagkamatay ni Agatha Mendoza, Ipinakita dito ang katatagan ni Cath at determinasyon na hanapin ang katotohanan nito. Ang katulad ni Cath ay dapat itong tularan dahil sa pagka matalik at mabait na kaibigan ni Agatha. Ginawa ni Cath ang makakaya niya para lang mabigyan ng hustisya ang kaniyang kaibigan. Sa ganitong asal, nagpapakita kung paano ang tunay na pagkakaibigan. Ang kwento na iyo ay nagpapaalala na pahalagahan ang kanilang mga kaibigan at maging handa sa pagtulong sa oras ng pangangailangan.
Isa pa sa dapat pagtuunan ng pansin o mahalagang aral mula sa kwento na ito ay ang epekto ng pambubulas at mental health. Ipinakita sa kwento na ito kung paano naapektuhan si Agatha ng pambubulas ng kaniyang dating matatalik na kaibigan na sina Lucas at Stephanie. Mga ganitong sitwasyon ay dapat hindi hinahayaan lalo na sa panahon ngayon na puno ng mga masasama ang kilos ang ginagawa sa kanilang kapwa. Ang akda ay nagbibigay-diin na hindi dapat balewalain ang mga senyales ng depresyon o stress, at mahalagang maunawain at bukas na komunikasyon tungkol dito.
B. Kulturang Masasalamin
Sa kwento ng aklat na ito, may mga asal at gawi na nagpapakita ng kulturang kabataan sa makabagong panahon. Ang mga gawi na ito ay matagal nang ginagawa at isa ito sa mga pangunahing ugali ng tao, tulad ng pagpapahalaga sa pagkakaibigan at ang mga pagsubok na dinaranas ng mga kabataan sa kanilang relasyon. Ipinapakita ng kwento kung paano nagtutulungan at nagkakaisa ang mga kabataan sa harap ng mga hamon. Ang ganitong asal ng pagtutulungan at malasakit sa isa’t isa ay isang magandang tradisyon na dapat ipagpatuloy sa bawat henerasyon.
Isang mahalagang bahagi ng kwento ay ang pagtalakay sa pambubulas at ang epekto nito sa mga kabataan. Makikita dito ang mga ugali ng mga tauhan na nagiging sanhi ng hidwaan, tulad ng pambu-bully na dinaranas ni Agatha. Ang ganitong asal ay nagpapakita ng masamang bahagi ng kultura ng kabataan, kung saan ang ilang estudyante ay nagiging mapang-api sa kanilang kapwa. Ang akdang ito ay nagtuturo ng aral tungkol sa pag-unawa at pakikiramay, na mahalaga at mapanatili ang magandang samahan.
IV. LAGOM
Ang "Who Killed Agatha?" ay isang kwento na umiikot sa buhay ni Agatha Mendoza, isang 16-taong-gulang na estudyante na matagumpay at kilalang manunulat. Sa kabila ng kanyang mga tagumpay, siya ay nahaharap sa matinding pressure mula sa kanyang kapaligiran. Ang kwento ay nagsimula nang siya ay mamatay sa isang trahedya, na nagbigay-daan sa kanyang pinakamatalik na kaibigan, si Cath Martinez, upang simulan ang isang imbestigasyon sa mga pangyayari bago ang kanyang pagkamatay. Maraming tao ang naniwala na ito ay isang simpleng pagpapakamatay, maliban kay Cath.
Sa tulong ng isang email mula kay Agatha noong siya ay buhay pa, natagpuan ni Cath ang kanyang sarili na nag-iimbestiga sa isang grupo ng mga kaibigan na tila may itinatagong lihim. Unti-unti niyang natuklasan ang isang mapanganib na dinamika sa kanilang grupo na maaaring magdala ng hustisya para kay Agatha. Sa kanyang paglalakbay upang hanapin ang katotohanan, naharap siya sa mga hamon at pagsubok na nagpatibay sa kanyang determinasyon.
Sa wakas, nakilala rin kung sino ang pumatay kay Agatha. At iyon ay si Vanessa. Nagkamit ng tanggumpay si Cath dahil nakilala niya rin kung sino ang may kagagawan nito ngunit hindi niya inaasahan na yung mabait at humble na kilala niya ay may mala demonyo palang itinatago. Para kay Cath, ang paglalakbay niya sa kaniyang huling taon bilang hunior high schooler ay isang roller coaster ride na kailanman ay hindi niya ito malilimutan. Sa kabila ng mga naganap, hindi ito pinagsisihan ni Cath dahil naging aral ito sakaniya at nagpapasalamat parin siya dahil kahit papaano ay nakilala niya ang kaibigan niya na si Agatha at nakasama niya pa ito bago siya mawala sa mundo.
Ang kwento ay nagbibigay-diin sa halaga ng pagkakaibigan at suporta. Sa huli, ang akda ay nag-iiwan ng mensahe tungkol sa kahalagahan ng pakikinig at pag-unawa sa isa't isa upang mapanatili ang magandang relasyon at kalusugan ng isip. Ang aklat na ito ay hindi lamang isang kwento ng misteryo kundi isang makapangyarihang salamin na nagpapakita ng realidad ng buhay kabataan at ang mga hamon na kanilang kinakaharap.
V. MGA REAKSYON AT MUNGKAHI
Sa totoo lang, maganda ang kwento. Naabot nito ang aking mga inaasahan at nasiyahan ako sa pagtatapos. Gayunpaman, para sa akin, ang mga pangyayari ay medyo predictable. Masyadong halata kung sino ang may masamang ugali mula pa sa simula. Ang mga taong nagpapakita ng kanilang tunay na pagkatao ay madalas na sila pa ang napagkakamalang sila ang gumawa ng milagro. Alam ko na may kakaibang galaw si Vanessa mula pa sa umpisa, alam kong siya ay nag-aakto lang bilang mabait, pero sa likod ng kanyang ngiti ay may itinatagong masamang intensyon. Hindi na ako nagulat nang malaman na siya nga ang pumatay kay Agatha.
Sa kabila nito, maganda ang pagkakasunod-sunod ng kwento at nakakaengganyo itong basahin, hindi ka talaga mabobored. Sa totoo lang, ito ang pinakaunang libro na nabasa ko na may genre na misteryo. Sa tingin ko, kayang-kaya ko pa ang ganitong uri ng misteryo dahil hindi naman ito sobrang mabigat. Isipin mo na lang kung gaano kalalim ang ibang mga kwento na talagang nakakakilabot. Kaya naman, tamang-tama lang itong kwento para sa mga baguhan sa pagbabasa ng mga libro.
Nagustuhan ko si Cath dahil sa kanyang pagsisikap na alamin kung sino ang pumatay sa kanyang kaibigan. Siya ang tunay na halimbawa ng isang matalik na kaibigan na handang gawin ang lahat para makamit ang hustisya para kay Agatha.
Sa kanilang grupo, nalungkot ako dahil hindi na ito muling nabuo matapos sirain ni Agatha ang kanilang samahan. Sinubukan ni Agatha na ibalik ang dati, pero si Lucas at Stephanie ay masyadong pinapairal ang kanilang galit, kaya lalo pang lumalala ang sitwasyon at tila malabo nang magkaroon muli ng pagkakaisa sa kanilang grupo.
Tungkol naman kay Vanessa, sobrang peke niya. Mula pa sa simula, nagduda na ako sa kanya. Alam kong may plot twist sa dulo dahil hindi magiging misteryo o thriller ang kwentong ito kung wala iyon. Pero para sa akin, predictable talaga na siya ang pumatay dahil halatang halata na yung kanyang pag-aakto ng pagiging mabait.
Hindi ako nabitin sa kwento, pero bakit hindi naging sila ni Luigi at Cath? Nakakainis naman yun. Naawa pa rin ako kay Agatha dahil kung nabubuhay lang siya, tiyak na masaya silang lahat, lalo na si Cath. Sa kabuuan, maayos ang pagkakasulat, madaling intindihin at hindi komplikado ang kwento.
Comments
Post a Comment