Pagsusumikap, Pag-ibig, at mga Pangarap (Sulatin #2)

     Si Olive Genevieve P. Malasan, na mas kilala sa tawag na Liv, ay isinilang noong Abril 13. 2008, sa Pasig City. Siya ang panganay sa kanilang magkakapatid at itinuturing siya na masipag at masunurin na anak. Nagsusumikap siyang makapagtapos ng pag-aaral upang magkaroon ng magandang kinabukasan at makatulong sa kaniyang pamilya. Siya ay masayahin at pinipili lamang kung sino ang kaniyang kinakaibigan. May talento siya sa pagsasayaw, at ang hilig naman niya ay makinig sa iba't ibang genre ng musika at manood ng mga interesadong palabas.


    Siya ang panganay sa kanilang magkakapatid. Dahil sa kasipagan niya ay naaasahan rin siya sa mga gawaing bahay at isa rin ito sa kaniyang hilig dahil mas nabibigyan kapayapaan ang kaniyang mga iniisip na nakakasakit sa kaniyang ulo. Siya ay maalaga sa kanyang dalawang kapatid at hindi niya ito hinahayaan dahil mahal na mahal niya ito. Sa likod ng kanyang mga tuwa, may mga pagsubok di siyang dinaranas ngunit patuloy parin siyang nagsusumikap na maging matatag at oara hindi ito makaabala sa kanyang mga magulang.


    Suportado naman ang kanyang mga magulang sa kanyang mga gusto at desisyon kaya mas lalo matibay ang kanilang relasyon ng kanyang magulang. Handa rin ang magulang nito na tulungan siya sa tuwing nakakaranas ito ng problema dahil sa ganitong paraan, nakatutulong ang mga binibilin ng kanyang mga maguulang na nakakagaan sa kanyang loob. Ang kanilang malapit na ugnayan ay nagpapalakas sa kanya upang patuloy na mangarap para sa ikabubuti ng kanilang pamilya.

Comments