- Get link
- X
- Other Apps
Ipinapahiwatig ng kantang pinamagatang "Anak" ang walang kondisyong pagsasakripisyo ng mga magulang para sa kanilang anak mula nang siya ay isilang. Mula sa mga unang taon ng buhay, ang mga magulang ay naglaan ng kanilang oras, lakas, at pagmamahal upang matiyak na ang kanilang anak ay lumalaki sa isang maayos at masayang kapaligiran. Subalit, habang lumalaki ang kanilang anak, unti-unting nagbago ang ugali nito at pananaw sa buhay.
Dahil sa mga maling desisyon ng kanilang anak, tulad ng pagkabisyo, nagdulot ito ng labis na pagdismaya sa kanyang mga magulang. Ito ay nagbigay sa pag-aalala at kalungkutan ng kanyang pamilya. Halos. Halos hindi naman nakinig ang kanilang anak at patuloy itong naligaw sa landas matapos ang mga pagsisikap ng magulang nito para lang ituwid sa maayos na landas. Sa huli, napagtanto ng anak ang kanyang mga pagkakamali at ang epekto nito sa kanyang mga magulang, na nagdala sa kanya sa isang malalim na pagsisisi.
Ang kanta na ito ay nagiiwan ng mahalagang mensahe na dapat mahalin at respetuhin ang ating magulang dahil sila ang ating gagabay patungo sa ating kinabukasan at ang pagmamahal at sakripisyo nito ay hindi matutumbasan ng anumang bagay. May paraan parin para sa pagbabago sa kabila ng mga pagkakamali. Upang mapanatili ang magandang samahan sa pamilya ay dapat itong pangahalagahan at magkaroon ng pag-unawa sa bawat isa.
- Get link
- X
- Other Apps
.jpg)
Comments
Post a Comment