- Get link
- X
- Other Apps
Sa aking palagay, ang kasabihan na ito ay nagpapahiwatig na kahit anong pagsisikap sa buhay, kung hindi ito nakatakdang mangyari para sa iyong kinabukasan, ay hindi ito matutuloy. Ipinapakita nito na sa kabila ng ating mga pagsubok at sakripisyo, may mga bagay parin na hindi natin makakamit maliban na lamang kung ito ay talagang nararapat para sa atin. Ang kasabihang ito ay nagsisilbing paalala na may mga pagkakataon na ang tadhana ang nagdidikta ng ating landas.
Ngunit huwag kaagad tayong sumuko dahil maaaring nasa proseso ka pa ng paghahanap ng tamang direksyon patungo sa iyong kinabukasan. Mahalaga ang pagtitiyaga at pagsusumikap at gawin mo ang iyong makakaya upang sa huli ay makamit mo rin ang iyong mga pangarap. Ang bawat hakbang na iyong tatahakin ay may kahulugan, at ang mga pagkatalo o pagkabigo ay bahagi ng ating paglalakbay. Sa bawat pagkatalo, may mga aral tayong natutunan na magagamit natin sa hinaharap.
Ganito ang buhay sa mundo, marami tayong pagkabigo na nararanasan, ngunit ito ay ang nagpapatunay na kaya nating labanan ang mga hamon para sa ating kinabukasan. Ang bawat pagsubok ay nagiging hakbang patungo sa ating mga layunin. Kaya't patuloy lang tayong mangarap at magsikap, sapagkat sa tamang panahon at tamang pagkakataon, ang lahat ng ating pinagdaraanan ay magbubunga ng magagandang resulta.
- Get link
- X
- Other Apps
.jpg)
Comments
Post a Comment